Posted
December 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dinagsa ng mga residente at mga manggagawang Katoliko ang
unang simbang gabi sa isla ng Boracay na nagsimula kaninang alas-kwatro ng madaling
araw.
Katunayan puno ng mga tao ang loob ng Boracay Holy Rosary
Parish Church hanggang sa labas kung saan makikitang nagdala nalang ang iba ng
mauupuan.
Sa siyam na araw na simbang gabi na magtatapos naman sa
Desyembre 24 ng madaling araw, inaasahanang dadami pa ang mga magsisimba.
Pinangunahan naman ni Father Nonoy Crisostomo ang misa sa
unang araw ng simbang gabi o “Misa De Gallo”.
Ayon kay Father Nonoy, natutuwa ito dahil sa dami ng mga
nagsipagsimba kung saan napuno maging ang compound ng simbahan.
Magkaganon paman, sinabi nito na sana hindi lamang
ngayong araw kundi hanggang sa mismong araw ng kapaskuhan ang ganon karaming
mga tao.
Todo bantay naman ang mga kapulisan at municipal
auxiliary police sa trapiko matapos ang misa dahil sa mga nagsipagsimba.
Ginaganap ang taunang simbang gabi o “Misa De Gallo” sa
buong sanlibutan bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kapanganakan ni
Hesukristo.
No comments:
Post a Comment