Posted December 16, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dalawang magkasunod na kaso ng pananaksak ang
naitala kaninang madaling araw sa Kalibo Police Station.
Unang naitala ang unang pananaksak sa isang 22
anyos na lalaki na kinilalang si Marchgil Ramos ng Rosario, Malinao, Aklan,
kung saan nagtamo ng dalawang beses na saksak
sa dibdib at limang beses sa likod.
Ayon sa blotter report ng mga pulis, naglalakad ang
biktima sa Martelino St. Kalibo nang napagdiskitahang saksakin ng hindi
nakilalang suspek.
Sa kabilang banda, sinundan din ito ng isa pang
kaso ng pananaksak nang maganap umano ang isang komosyon kanina ng madaling
araw sa Roxas Avenue Kalibo.
Kinilala ang biktima na si Kelvin San Jose, 27
anyos ng Bacan Banga Aklan, na nagtamo ng apat na beses na saksak ng hindi rin
nakilalang suspek .
Samantala, nagpapatuloy naman ngayon ang
imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa mga nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment