YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 17, 2014

BLTMPC, pinasigurong hindi kukulangin ang mga sasakyan ngayong holiday season

Posted December 17, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinasiguro ngayon ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) na hindi kukulangin ang mga sasakyan ngayong holiday season.

Ito ang sinabi ni BLTMPC Board of Director Enrique Gelito, kung saan inaasahan na rin umano nila ang ganitong mga problema dahil sa pagdagsa ng mga turista sa isla.

Sa kabila nito, iginiit ni Gelito na sapat ang mga sasakyan para sa mga bakusyunista at lokal na mga residente sa Boracay.

Samantala, nabatid na nitong nakaraang buwan ng Mayo lamang ay nagdagdag pa ng mga unit ang BLTMPC para mas mapaganda ang kanilang operasyon sa isla.

Maliban dito, sinisiguro din umano ng BLTMPC na nasa tamang kondisyon ang kanilang mga sasakyan para makaiwas sa aberya o disgrasya.

No comments:

Post a Comment