Posted December 17, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Humingi ng tulong sa mga pulis ang isang babaeng
Russian national matapos na mabiktima ng snatcher sa Boracay kaninang madaling
araw.
Sumbong ng biktimang si Kristina Poyarko, 28 anyos,
naglalakad ito sa Station 1 at beach front ng So. Diniwid Boracay nang
magtanong ng direksyon sa isang lalaki doon.
Subalit hindi umano ito halos maka-intindi ng
English, kaya kinuha nya ang kanyang HTC One S na cellphone para e-translate
ang kanyang sinasabi.
Hindi akalain ng turista na biglang hinablot ng
hindi nakilalang suspek na may edad 25-30 anyos ang kanyang cellphone at saka
itinakbo.
Hinabol pa umano ito ng biktima subalit hindi na
nya naabutan.
Nagpapatuloy naman ngayon ang isinasagawang
imbestigasyon ng mga pulis para sa pagkakakilanlan ng suspek.
No comments:
Post a Comment