YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, December 19, 2014

Maintenance at repair ng Sea Ambulance paglalaaan ng pondo ng SB Malay

Posted December 19, 2014
Ni Jay-ar  M.Arante, YES FM Boracay

Aprobado na sa Second reading ng Sangguniang Bayan ng Malay ang resolusyon para sa pondo na P4, 523,95.03  mula sa MDRRM trust fund.

Ito ay para sa implementasyon ng Drainage System, repair at maintenance ng Sea Ambulance, Water System at Quick Response Fund ng bayan ng Malay.

Nabatid na sa ginanap ng 39th regular SB session ito ay tinalakay ni Chairman of Committee on Laws at SB member Rowen Aguirre kung saan ang nasabing drainage system ay paglalaaan ng P2.5 milyon at ang Sea Ambulance ay P1.5 milyon.

Samantala, ang resolusyon ito ay muling pag-uusapan sa pagbubukas ng session ng Sangguniang Bayan ng Malay sa susunod na taong 2015.

Napag-alaman na ang nasabing drainage system ay isa sa mga problema sa Boracay dahil sa ang ilan dito ay barado at ang nasabing sea ambulance ay para sa mabilisang pagrespondi sakaling may kailangang dalhing pasyente sa mainland gayon din ang kakailanganing pondo para sa water system at quick response.

No comments:

Post a Comment