Posted December 17, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa ginanap na 39th Regular Session ng Sangguniang
Bayan ng Malay kahapon, ipinaabot ng BEMAC sa pangunguna ni Christian Arvin
Tolentino ang kanilang hangaring makapag-operate sa isla.
Nabatid na maglalagay sila sa Boracay ng dalawang unit na
E-trike ngayong darating na Enero 2015 para sa tinatawag na testing.
Kaugnay nito hiniling naman ng mga konseho na bago nila
pasukin ang operasyon sa Boracay ay kinakailangan muna nilang sundin ang lahat
ng mga requirements at standard ng nasabing sasakyan.
Sa ngayon dalawang kumpanya palang ng e-trike ang
nag-ooperate sa Boracay kung saan ito ay ang kumpanya ng Gerwise motors at Tojo
motors.
No comments:
Post a Comment