Posted December 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaugnay nito, nagpulong kaninang umaga ang lokal na
pamahalaan upang pag-usapan ang magiging mga paghahanda sa nasabing aktibidad.
Sa pangunguna ni Malay Tourism Chief Operations Officer
Felix Delos Santos, inilatag ang mga proposed activities magmula Enero 9-11,
2015.
Ilan sa mga pinag-usapang itatampok sa naturang
selebrasyon ang parada, barangay council parishioners night, kabataan night,
live dance, hip hop dance contests at iba pa.
Sa kabila nito, umani naman ng ilang suhetsyon ang
nasabing pagpupulong, kung saan ilan sa mga napag-usapan ay ang alisin na ang
mga cash prizes at sa halip ay tropeyo na lamang umano ang matatanggap ng mga
mananalo.
Sa pamamagitan umano nito, maiaangat ang tunay na
diwa ng Ati-Atihan Festival.
Samantala, muli namang magsasagawa ng pagpupulong
ang LGU Malay hinggil sa nasabing okasyon.
No comments:
Post a Comment