Posted December 20, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Magsisimula na ngayong linggo ang expansion ng
Cagban Jetty Port bilang paghahanda sa nalalapit na Asia Pacific Economic
Cooperation (APEC) Summit 2015 sa Boracay.
Ito ang sinabi ni Jetty Port Administrator Nieven
Maquirang matapos ang isinagawang meeting kaugnay sa cruise ship arrival nitong
Huwebes.
Sinabi nito na magsisimula na ang construction ng
36 meters expansion ng phase 1 sa nasabing pantalan na matatapos sa loob ng
tatlong buwan sa susunod na taon.
Nabatid na malaki ang inaasahang pagbabago sa
Cagban Port dahil sa magiging organisado na ang mga bangkang bumibiyahe gayon
din ang mga private boat at ang daungan ng cruise ship na pumupunta sa isla ng
Boracay.
Samantala, maging ang mga tricycle at tourist van sa
loob ng pantalan ay magiging organisado na rin kabilang na ang paglalagay ng
isang building para sa mga pasahero.
Matatandaan na bago aprobahan ang expansion ng
Cagban Port ay sinuri muna ito ng Department of Transportation and
Communication (DOTC) Department of Tourism (DOT) at ni DILG Secretary Mar Roxas
katuwang ang Local Government Unit ng Malay at Provincial Government ng Aklan.
No comments:
Post a Comment