YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 15, 2014

Pinning of ranks sa mga bagong promote na BTAC police idinaos kanina

Posted December 15, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Idinaos kanina ang pinning of ranks sa mga bagong promote na BTAC police.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang pamilya ng mga na-promote na pulis at ang buong command staff ng PNP Regional Office 6.

Nauna rito, kinilala ng Boracay Tourist Assistance Center ang mga na-promote na kapulisan na sina PSIns.Fidel Gentallan, SPO2 Ariel Estoya, SPO2 Lyn Ibañez, SPO2 Hartzell Prado, SPO1 Joy Sablaon, SPO1 Jhonel Quitong, SPO1 Joenel Ombega, PO3 Frederick Kimpo, PO2 Emely Roldan, PO2 Cyril Ombid at PO2 Teddy Dalisay.

Nabatid na sumailalim sa mahigit apat na buwang schooling ang mga nasabing pulis at pumasa sa Neuro exam at interview sa Negros Regional Training Center.

Isang simpleng selebrasyon naman ang inaasahan ng Boracay PNP family dahil sa mga na-promote nilang kasamahan.

No comments:

Post a Comment