Posted December
19, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Hindi parin kasi ito nakukuha doon kung kaya’t limitado
rin ang pagdiskarga ng mga porter ng mga kargamento mula sa iba pang barge o
bangka.
Ayon sa isang crew ng barge, alas 7:35 ng gabi nang
sumadsad ang barge matapos ang pahirapan umanong pagmaneobra ng kapitan dahil
sa malakas na hangin at alon noong gabing iyon.
Maliban dito, nabatid na baguhan pa lamang ang nasabing
kapitan.
Ayon naman kay Manoc-manoc Barangay Captain Abram Sualog,
nakipag-ugnayan na rin sila sa mga taga Philippine Coastguard at iba pang
may-ari ng barge upang makuha ang sumadsad na sasakyan.
Samantala, wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing
aksidente.
No comments:
Post a Comment