Posted December 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM
Boracay
Ito ang kinumpirma mismo ng
mga taga Boracay PNP matapos sinibak sa pwesto bilang hepe si PSInsp.Mark Evan
Salvo.
Base kasi sa impormasyon, wala
paring bagong hepe sa BTAC o Boracay Tourist Assistance Center na itinalaga ang
APPO o Aklan Provincial Police Office.
Kaugnay nito, sinubukan ng
aming himpilan na kunan ng update tungkol dito sina mismong APPO Acting Chief-Police
Senior Superintendent Iver Apellido, at PNP 6 Regional Director Police Chief
Supt. Josephus Angan, subali’t walang tugon ang mga ito.
Kinumpirma naman ni PSInsp.
Fidel Gentallan na siya parin ang officer in charge sa Boracay PNP.
Sa kabila nito, nagpahayag
ng kahandaan ang Boracay PNP ngayong Kapaskuhan para sa kaligtasan ng mga
turista at lokal na residente sa isla.
Magugunitang sinabi ni
Apellido na kasama sa police management ang pagkaka-relieve kay Salvo nitong
nakaraang linggo.
No comments:
Post a Comment