Posted December
16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Muli na namang naghahanda ang Aklan Provincial Government
para sa maituturing na buwenamanong event sa Boracay sa taong 2015.
Kaugnay ito sa muling pagbisita ng MS Costa Victoria sa
isla sa darating na buwan ng Enero.
Kaya naman muling magpupulong ang jetty port
administration, Department of Tourism, Philippine Coastguard, kapulisan at iba
pang ahensya sa isla sa araw ng Huwebes para sa nasabing aktibidad.
Magugunitang bumisita sa isla ng Boracay ang MS Costa
Victoria nitong nakaraang buwan ng Pebrero sakay ang humigit-kumulang 2, 300 na
mga pasahero at mahigit 800 crew.
Inaasahang muling papasyalan ng mga pasaherong sakay nito
ang long beach at ilan pang lugar sa isla Boracay sa Enero 12, 2015.
No comments:
Post a Comment