YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, December 19, 2014

Dahil sa utang sa inuupahang kwarto, babae at lalaki sa Boracay; nagkasakitan

Posted December 19, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Maga sa kaliwang braso ang tinamo ng isang babae matapos na umano’y hinampas ng kahoy ng isang lalaki sa Boracay.

Subalit, katwiran naman ng inirereklamong lalaki na kinilalang si “Bryan”, 31 anyos na hindi nito hinampas ang nasabing babae na kinilala namang si “Evelyn”, 30 anyos.

Anya, nadulas ng dalawang beses ang nasabing babae kaya ito nagtamo ng injury.

Katunayan, sya pa umano ang hinampas sa kanyang dibdib at paa ng kahoy ni “Evelyn” kaya napikon din ito at binato ng bato at bote ng beer ang bahay ng babae.

Nag-ugat naman di umano ang nasabing panyayari dahil sa hindi pagkakaintindihan sa bayad sa inuupahan nitong kwarto sa Barangay Yapak Boracay.

Samantala, nakatakda namang magharap ang dalawa sa Barangay Justice System ng Yapak.

No comments:

Post a Comment