Posted December 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng maraming turista at
bisita sa Kalibo Sto. Nino Ati Atihan Festival sa susunod na taon.
Sinabi ng Aklan Police Provincial Office (APPO) na maaaring magtalaga ng nasa 800 na pulis ang Police Regional Office
(PRO)-Western Visayas upang dagdag puwersa sa pinakamalalaking taunang
kapistahan sa bansa.
Ayon naman kay Supt. Pedro Enriquez, hepe ng Kalibo
PNP, umaasa din sila na mas madagdagan pa nga ang kanilang pwersa para masiguro ang
seguridad sa nasabing aktibidad.
Samantala, kasama ang isla ng Boracay at anim pang
bayan sa Aklan, ang magdiriwang ng kani-kanilang bersiyon ng Ati-Atihan
Festival sa iba’t ibang araw ng Enero.
Bilang paghahanda naman sa seguridad, nagsagawa na
ng command conference ang pulisya para pag-usapan ang gagawing estratehiya na
tiyaking 100 porsiyentong zero crime ang Ati-Atihan.
No comments:
Post a Comment