YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, December 19, 2014

BIWC, aminado na maraming pang kailangang ayusin sa kanilang serbisyo sa Boracay

Posted December 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Aminado ang Boracay Island Water Company (BIWC) na marami pa silang kailangang ayusin sa kanilang serbisyo sa isla.

Sa isinagawang pagpapupulong kahapon, sinabi ni BIWC Costumer Service Officer Acs Aldaba  na maliban sa “sulong turismo”, may ilan pa silang mga programa na dapat ipatupad sa Boracay para sa mas magandang serbisyo.

Pinunto rin nito ang kanilang paghahanda sa tuwing mananalasa ang isang bagyo kung papaano sisiguraduhin na hindi kukulangin ang suplay ng tubig.

Samantala, nabatid na maliban sa pagsasaayos ng mga sewerage system sa Boracay, dinagdagan na rin ng BIWC ang kanilang “Water Free Drinking Fountain Unit” sa isla.

Sa pamamagitan umano nito, makakasigurong malamig at malinis na tubig ang maibibigay sa mga bakasyunista at turista ng libre, kung saan malaki din ang maitutulong sa pagpapalago ng turismo sa Boracay.

No comments:

Post a Comment