Posted December 17, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang naging buod ng pagpupulong kanina ng BFI o
Boracay Foundation Incorporated at Philippine Coastguard kaugnay sa problema sa
mooring area sa Boracay.
Muli na naman kasing nagpaalala ang BFI sa mga
nagmamay-ari ng bangka sa isla na sumunod sa ipinapatupad na ordinansa upang
mapangalagaan ang mga marine protected areas.
Particular na tinutukoy dito ng BFI ang
pangangalaga sa mga korales lalo na sa lugar kung saan ang coral restoration
project ng BBMP o Boracay Beach Management Program.
Bagama’t hindi na pinangalanan, nabatid na may
isang boat operator sa isla kanina ang kasama sa pagpupulong na pinaalalahanan
ng BFI at Coastguard.
Nabatid na may mga boat operators parin sa isla ang
nagiging pasaway at idinadaong ang kanilang bangka sa hindi dapat sa kabila ng
ipinapatupad na ordinansa.
No comments:
Post a Comment