Posted December
15, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Sa pamamagitan din ng isang streamer na may congratulatory
message, pinangalanan ng Boracay PNP ang mga na-promote na pulis.
Nangunguna rito si PSIns.Fidel Gentallan na siyang
Officer In charge ngayon ng BTAC o Boracay Tourist Assistance Center matapos
sinibak sa pwesto bilang BTAC Chief si PSInsp. Mark Evan Salvo nito lamang
nakaraang linggo.
Sumunod sa listahan sina SPO2 Ariel Estoya, SPO2 Lyn
IbaƱez, SPO2 Hartzell Prado, SPO1 Joy Sablaon, SPO1 Jhonel Quitong, SPO1 Joenel
Ombega, PO3 Frederick Kimpo, PO2 Emely Roldan, PO2 Cyril Ombid at PO2 Teddy
Dalisay.
Nakatakda naman ang pinning of ranks sa mga napromote na
pulis sa araw ng Lunes sa PRO 6 Camp Delgado Iloilo City.
Nabatid na sumailalim sa schooling ng mahigit apat na
buwan at pumasa sa Neuro exam at interview sa Negros Regional Training Center
ang mga nasabing pulis.
No comments:
Post a Comment