Posted December 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong gabi na ang pinakahihintay ng mga residente sa
bayan ng Kalibo at ng mga kalapit na lugar sa Aklan para sa pagpapailaw ng
giant Christmas tree sa Pastrana Park.
Pangungunahan mismo ni Mayor Willian Lachica at ng mga
local officials ng Kalibo ang ceremonial switch-on ng Christmas lights at
fireworks display mamayang alas-6 ng gabi.
Bawat sulok naman ng nasabing Plaza at mga puno ay
pupunuin ng mga naggagandahan at nagkikislapang Christmas lights na tinawag na
“Iwag it Kalibonhon.”
Napag-alaman na ang construction ng gigantic Christmas
tree ay sinuportahan ng mga Aklanon mula sa Juneau, Alaska na isang nativity scene
kung saan ito ang pinakamalaki kumpara sa mga nagdaang taon.
Nabatid na ito ay taon-taong tradisyon ng mga Kalibonhon
bilang paggunita sa kapaskuhan at kapanganakan ni Hesukristo at bilang
pagsisimula ng “Misa De Gallo” o simbang gabi bukas ng madaling araw.
No comments:
Post a Comment