Posted December 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagreklamo sa himpilan ng Boracay PNP ang isang
resort sa Manoc-Manoc Boracay matapos na umano’y pinutulan ng tubig ng walang
dahilan kagabi.
Sumbong ni Encarnacion Dela Cruz, 51 anyos at
receptionist ng nasabing resort, nagulat na lamang di umano sila na naputol ang
linya ng kanilang tubig.
Samantala, nang suriin naman di umano ng isa sa
kanilang staff ang pipe/hose, isang kinilalang “Mark Angelo” ang umano’y
nagbawal sa mga ito na ikabit ang nasabing linya.
Hindi naman umano nila alam kung sino ang pumutol
sa linya ng kanilang tubig kaya minarapat na pina-imbestigahan ito sa mga
pulis.
No comments:
Post a Comment