Posted December 16, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isang buwan nalang at rarampa na ang mga kandidata
sa “Mutya it Kalibo Ati-Atihan Festival 2015” sa probinsya ng Aklan.
Kaya naman, ngayon pa lamang ay masasabing mahigpit
na umano ang kompetisyon, kung saan puspusan na rin ang mga ito sa ngayon sa
kanilang pagsasanay.
Nabatid sa Kalibo Sto. NiƱo Ati-Atihan Foundation,
Inc. (KASAFI) na sinala ang 16 na kalahok mula sa 35 na mga sumali para sa
korona ng nasabing patimpalak.
Pinagbasehan umano dito ang criteria na dapat
Filipino citizen, 15 to 24 years old at may taas na 5’4 at Aklanon ang mga
magulang.
Ipinagmalaki din ng KASAFI na ang ‘Mutya it Kalibo
Ati-Atihan” ay isa na ngayon sa mga maituturing na prestihiyosong beauty event
sa Western Visayas.
Samantala, ang mananalo naman umano sa nasabing
aktibidad ay makakatanggap ng hindi lamang cash prizes kundi mga hindi birong
gantimpala.
Nabatid na ang 16 na mga kandidata ay nakatakdang
rumampa sa January 9, 2015 sa Gov. Augusto B. Legaspi Sports and Cultural
Center sa Kalibo, Aklan.
No comments:
Post a Comment