Posted December 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nakatakdang pag-usapan sa isang SP Committee
Hearing ang ordinansa mula sa bayan ng Malay na nagbabawal sa paglagay ng
basement ng mga establisyemento sa isla.
Sa ginanap na Sangguniang Panlalawigan (SP) Session,
muling pinag-usapan ang Malay Ordinance No. 339 na ini-akda ni SB Member Rowen
Aguirre.
Nabatid na unang ipinaliwanag sa SB Malay na ang nasabing basement
ay nagdudulot umano ng pagbaha sa tuwing malakas ang buhos ng ulan, kung saan
pinapasok ito ng tubig at saka naman pinu-pump papuntang drainage system na
siyang dahilan ng pag-apaw ng tubig.
Ayon naman kay Committee Chairman on Laws, Rules
and Ordinances SB Member Rowen Aguirre, kailangan na itong ipagbawal sa halip
na e-regulate.
Samantala, napag-alaman na matagal na din umano
itong napag-usapan sa departemento ng Zoning at Engineering Office ng Malay kung
saan ipinagbabawal na din nila ang mga gumagawa ng construction ng basement sa
Boracay dahil sa ilang talampakan lang ang huhukayin ay may lumalabas na agad
na tubig.
No comments:
Post a Comment