Posted December 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaya naman naghahanda narin ngayon ang Philippine Coast
Guard (PCG) Boracay Sub-Station sa maaaring pagdagsa ng mga turista sa isla ng
Boracay.
Ayon kay Coastguard Boracay Sub-station Commander Senior
Chief Petty Officer Ronnie Hiponia, maliban sa mga magbabantay na Coast Guard
sa baybayin ay may mga naka-standby din na syang aalalay sa mga turista lalo na sa mga mag-a- island hopping.
Nakaantabay parin aniya ang mga coast guard sa
beach line para sa sitwasyon at mabigyan ng babala ang mga turistang naliligo
sa Front Beach.
Samantala, ayon naman sa kay Coastguard Caticlan
Commander Chief Petty Officer Arnel Sulla, nagkakaroon na din sila ng security
patrol sa Cagban Port at Manoc-Manoc Area para bantayan ang mga sea sports
activities.
Muli namang nagpaalala ang Coast Guard sa mga
sasakay ng motor bangka na magsuot ng life jacket.
Pinapayuhan din ang mga bakasyunista na huwag
maligong mag-isa sa dagat, tiyakin ang kinaroroonan ng mga life guard para sa
agarang assistance, alamin ang kapasidad ng mga motor bangkang sasakyan bago
mag-island hopping, at huwag mag-atubiling tumawag sa Coast Guard para humingi
ng tulong.
No comments:
Post a Comment