YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 16, 2014

Bangkay, nakita ng isang mangangahoy sa river bank sa bayan ng Kalibo, Aklan

Posted December 16, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isang bangkay ang nakita ng isang mangangahoy sa river bank sa bayan ng Kalibo, Aklan.

Ayon sa blotter report ng Kalibo PNP, naghahanap ng kahoy kahapon ng umaga ang 38 anyos na lalaki nang makita ang nasabing bangkay sa So. Guba Barangay Tigayon Kalibo Aklan.

Una umanong nakita ng mangangahoy ang buto kaya nagtaka ito na tila parang may nakabaong tao sa lugar.

Nang tingnan ay saka nakita ang buong katawan ng nasabing bangkay at agad na pirespondehan sa mga pulis.

Samantala, tinitingnan sa ngayon na isang babae ang nasabing bangkay dahil sa mga nakitang bra at under wear dito.

Sa ngayon naman ay hindi pa nailabas ng Crime Laboratory ang resulta sa isinagawang pagsusuri sa nasabing bangkay.

No comments:

Post a Comment