Posted December 16, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang naging mensahe ng HRP o Holy Rosary Parish
Boracay ngayong Kapaskuhan kasabay ng unang araw ng Simbang Gabi kanina.
Ayon kay HRP Boracay Team Mediator Father ‘Nonoy’
Crisostomo, dapat maunawaan ang diwa ng Kapaskuhan at ang diwa ng pagmamahal ng
Panginoong Hesu Kristo lalo na sa mga mahihirap.
Madalas umano kasing hindi napapansin at
napapabayaan ang mga taong mahihirap at nangangailangan.
Ayon pa kay Crisostomo, dapat ding ipakita bilang
mga Kristiyanong nakiisa sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus ang pagiging
instrumento ng pagmamahal upang patuloy itong maramdaman ng mga tao.
Samantala, ikinatuwa naman ni Father Nonoy ang
pagdagsa ng mga nagsipagsimba kaninang madaling araw.
Kapansin-pansin na marami sa mga church goers ang
nagdala ng sariling maupuan lamang makadalo sa Simbang Gabi.
Ginaganap ang Simbang Gabi sa loob ng siyam na araw
bago ang ika-25 ng Disyembre.
No comments:
Post a Comment