Posted December 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Hindi parin gumagana ang pumping station ng TIEZA o
Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.
Sa isang press conference kahapon, sinabi ni BIWC o
Boracay Water Customer Service Officer Acs Aldaba na hindi parin sumasailalim
sa commissioning o testing ang nasabing pumping station.
Kaugnay parin nito, pinasisiguro naman nila sa LGU
ang kanilang kahilingan na dapat matanggal na ang mga illegal connections sa
existing drainage system.
Samantala, dismayado naman ang mga turista at
residente kagabi dahil binaha na naman ang ilang lugar sa Barangay Balabag
matapos bumuhos ang malakas na ulan.
Magugunitang sinabi ng TIEZA na ang pumping station
ang magiging solusyon sa nararanasang pagbaha sa mga sakop ng phase one ng
proyekto.
White elephant project. May kumita na naman dito. T'yak yon!
ReplyDeleteh0z84d6k23 c3h23h3c16 l3g16l1e70 f5p50w9z44 i6v22o9k71 b5i51i4r64
ReplyDelete