YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 17, 2014

Lalaki, dead on arrival sa ospital matapos saksakin sa Boracay

Posted December 17, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki matapos na saksakin ng hindi nakilalang suspek kagabi sa Boracay.

Ayon sa blotter report ng BTAC, naglalakad sa So. Tambisaan Manoc-Manoc pauwi sa kanilang bahay ang biktima na kinilalang si Edgar Espejo, 42 anyos ng Gibon Nabas Aklan nang saksakin sa likod malapit sa isang sabungan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na lasing ang biktima, kung saan habang naglalakad umano ito ay nagawa pang batuhin ang mga maiingay na aso sa kalsada at bumunot ng kutsilyo.

Samantala, ayon naman sa nakasaksi sa krimen, isang lalaki na may  5’2 ang taas, naka- itim na jacket at six (6) pocket na short ang di umano’y sumaksak sa biktima.

Ayon sa doctor ng biktima, nagtamo ito ng nasa apat na sentemetro na haba at pitong sentemetro  na lalim ng saksak sa likod.

Patuloy naman na inaalam ngayon ng BTAC ang motibo sa nasabing kaso.

No comments:

Post a Comment