Posted December
19, 2014
Ni Jay M. Arante, YES FM Boracay
Paiigtingin umano ang seguridad para sa muling pagbisita
sa Boracay ng MS Costa Victoria darating na Enero 12, 2015.
Ito ang napagkasunduan sa ginanap na pagpupulong kahapon
ng mga taga Provincial Government ng Aklan, LGU Malay, Philippine National
Police, Philippine Coastguard, Department of Tourism, Maritime Police, at iba
pang ahensya.
Nabatid na bago ito dumaong sa isla ng Boracay ay dadaan
muna ito ng Puerto Princesa, Palawan mula Maynila para sa ilang araw na tour sa
Pilipinas.
Inaaasahanan namang papasyalan ng mga sakay nito ang
magagandang tanawin sa isla ng Boracay katulad ng Mt. Luho, Puka Beach, D’Mall
at Ati-Village habang ang iba ay susubukan naman ang ilang water activity at
island hopping sa isla.
Ang MS Costa Victoria ay kilala bilang isa sa mga eleganteng
barko na dumaong dito sa Boracay dahil sa angkin nitong ganda at mga pasilidad
sa loob.
Sakay nito ang 2, 394 na pasahero kung saan karamihan
nito ay mga European at isang daang Chinese passengers habang 800 naman ang mga
crew at 20 porsyento nito ay mga pinoy.
No comments:
Post a Comment