YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 21, 2014

HRP Boracay, masaya sa naging partisipasyon ng mga debotong Katoliko nitong Holy Week

Posted April 21, 2014 as of 7:00am
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Masaya ang Holy Rosary Parish (HRP) Boracay sa naging partisipasyon ng mga debotong Katoliko nitong Holy Week.

Ayon kasi kay HRP Boracay Team Ministry Moderator Father Nonoy Crisostomo.

Mas marami ang mga local and foreign tourist ang nakibahagi sa mga aktibidad ng simbahan nitong nakaraang Semana Santa kumpara nitong nakaraang taon.

Partikular umano nitong nakita na mas marami ang mga sumama sa ginanap na Live Station of the Cross nitong nakaraang Biyernes Santo ng umaga.

Hanga rin aniya ito sa mga hotel workers dito na talagang dumaan sa simbahan at nagdasal kinagabihan, kahit hindi sila nakasama sa selebrasyon ng Good Friday.

Magkaganon paman, aminado rin si Father Nonoy na may mga dapat pang ayusin sa iba pang aspeto ng mga selebrasyon ng simbahan upang mas maging makabuluhan ito sa lahat, lalo pa aniya at hindi naman Katoliko ang lahat ng mga turista sa Boracay.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Father Nonoy Crisostomo sa lahat ng mga tumulong at nagsumikap upang maging makahulugan ang pagdiriwang ng kakatapos na Holy Week sa isla. 

No comments:

Post a Comment