Posted April 22, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon kay PO1st Condrito Alvarez Jr. ng PCG Caticlan,
nagpapatuloy pa rin ang kanilang passenger assistance para sa pagdagsa ng mga
pasaherong balik-trabaho lalo na sa mga nagbakasyon sa Boracay nitong Holy Week.
Aniya, mahigpit rin ang kanilang ipinapatupad na
pagpapasuot ng life jacket sa mga pasahero ng bangka, kasabay ng paalala na
ilagay ang kanilang mga pangalan sa manipesto.
Samantala, nabatid rin na nitong nagdaang linggo
bago ang Semana Santa ay nagpalagay na ang Coast Guard ng mga passenger
assistance center sa lahat ng mga pantalan sa Caticlan at Boracay.
Sinabi rin ni Alvarez na sa ngayon ay walang
anumang problema sa biyahe ng RoRo, kasabay ng pagbibigay paalala sa mga
biyahero na mag-ingat at sumunod sa mga alituntunin ng Coast Guard.
No comments:
Post a Comment