Posted April 25, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang ipinahayag ni PS/Insp. Ariel Nacar ng
Ibajay PNP Station hinggil sa nangyaring sunog kaninang umaga sa isang bangko
sa Ibajay Aklan at pagbaril sa Asst. Manager nito.
Ayon sa report ng Ibajay PNP, sa isinagawang
responde ng mga taga Bureau of Fire Ibajay sa nasabing lugar ay nakita na
lamang sa loob ng bangko ang Bank Asst. Manager na si Gabriel Manican na duguan
habang nakaupo.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nabaril
si Manican kung saan isinugod pa umano ito sa ospital ng nasabi ring bayan
subalit ideneklara ng “Dead on Arrival”.
Samantala, may narekober rin umano sa lugar na ilang
fired cartridge at fired bullet na posibleng ginamit sa biktima.
Nabatid na pumupunta tuwing umaga ang Asst. Manager
sa nasabing bangko para magsagawa ng ilang pagsusuri dahil sa limitado lamang umano
ang oras ng gwardya rito.
No comments:
Post a Comment