YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 23, 2014

Shell souvenir shop sa Boracay, pilit binuksan at ninakawan ng 3-menor de-edad

Posted April 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo credit by: calland.com
Dalawang lalake at isang babaeng menor de-edad ang pinaniniwalaang nagnakaw ng mga ibinibintang shell souvenir sa isang stall sa Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP, nagreport sa kanilang tanggapan ang biktimang si Melinde Pescos, 52-anyos na tubong Sitio. Tulubhan, Brgy. Manoc-manoc isla ng Boracay.

Basi sa salaysay ni Pescos nakatanggap umano siya ng tawag mula sa kaniyang kasamahang vendor na si certain Analyn Relatibo kung saan sinabi dito na ang kaniyang shell souvenir stall sa Station 3, Boracay ay bukas na at nawawala na ang iba nitong mga ibinibinta.

Agad naman umano nitong pinuntahan ang kaniyang stall kung saan nadiskubrehan nga nito na nawawala na ang iba nitong items na nagkakahalaga ng 2, 000 peso.

Sinabi din umano sa kaniya ng isang Beach sweeper na malapit sa kaniyang stall na ang mga suspek na kumuha sa kaniyang mga nasabing paninda ay ang tatlong mga menor de-edad na kung saan hindi naman nito namukhaan.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang mga nasabing suspek kung saan mahigpit din nilang pinaalalahanan ang lahat ng mga nagbibinta ng ganitong uri ng negosyo sa Boracay na mag-ingat sa lahat ng mga batang gala na may kakaibang kinikilos.

No comments:

Post a Comment