YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 24, 2014

Promotion efforts para sa Boracay, isinusulong ng Jetty Port Administration sa ASEAN

Posted April 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hinihimok ng Caticlan Jetty Port ang tourism stakeholder’s upang tumaas ang promotions efforts para sa Boracay sa ASEAN.
Ayon sa Caticlan Jetty Port Administration, nais nilang ang Association of South East Asian Nations (ASEAN) countries lalo na ang Singapore at Malaysia ay magpataas ng kanilang tourism arrivals sa isla ng Boracay.

Nabatid na ang Air Asia ay nagbukas kamakailan ng kanilang direct flight mula Kuala Lumpur patungong Kalibo International Airport (KIA).
Dahil dito, nais naman ng Jetty Port Administration na sundan ito ng iba pang tourism stakeholders para sa ikakalakas ng turismo sa nasabing isla.

Sa kabilang banda napanatili naman ng China ang pangunguna sa sampung foreign countries sa tourist arrival list sa Boracay simula noong January hanggang March kung saan naitala ang 73, 121 Chinese tourist arrivals.

No comments:

Post a Comment