Posted April 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Hawak na ngayon ng mga otoridad ang hard drive ng
CCTV Camera sa nasunog na bangko sa Ibajay Aklan kahapon ng umaga.
Ayon sa Ibajay PNP, pinagsisikapan nila ngayong
ma-retrieve ang video na napapaloob sa nasabing hard drive upang mabigyang
linaw ang pagkamatay ng Asst. Manager ng nasabing bangko.
Napag-alaman na nagtamo ng dalawang tama ng baril sa
dibdib ang 68 anyos na si Gabriel Manican nang makita ng mga fire officers na
naka-upo sa loob ng nasusunog na building.
Nabatid rin na nakitang bukas ang vault ng bangko
subalit iniimbestigahan parin kung may nawawala ritong pera o gamit.
Samantala, pinag-aaralan din sa ngayon ng mga
otoridad kung isa ang pagnanakaw sa mga motibo ng krimen at pagkasunog ng
bangko.
Nagtutulungan naman ang mga kasapi ng Scene of the
Crime Operatives (SOCO) Aklan, Philippine National Police (PNP) at Bureau of
Fire Protection Unit ng Ibajay para sa mabilis na ikalulutas ng kaso.
No comments:
Post a Comment