Posted April 24, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Aminado ngayon ang Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) na kulang pa rin sila sa ilang mga gamit tulad ng computer.
Ito’y kaugnay sa request kamakailan ni Boracay PNP
Chief PSInspector Mark Evan Salvo sa lokal na pamahalaan ng Malay hinggil sa
pagsasaayos ng pasilidad ng himpilan.
Ayon sa BTAC, dahil sa kakulangan ng computer apektado
tuloy maging ang pag-i-encode ng mga blotter reports.
Kaya’t para na lamang umano sa kanilang “passion at
commitment” ay ginagamit na rin maging ang kanilang mga sariling laptops para mapadali ang kanilang operasyon.
Kaugnay nito humingi na rin umano sila ng
assistance sa kanilang higher headquarters upang maayos ang matagal nang mga
problema.
Sa kasalukuyan, ay ginagawan ng paraan ng BTAC na
hindi maapektuhan ang kanilang operasyon, hangga’t hindi pa dumarating ang
sagot sa ipinadala nilang request.
No comments:
Post a Comment