Posted April 24, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang pinasiguro ngayon ni Boracay
Redevelopment Task Force (BRTF) Chairman at Boracay Island Administrator Glenn
Sacapaño, kaugnay sa halos gabi-gabi nilang pagpatrolya sa beach front ng
Boracay nitong nakaraang Semana Santa.
Talamak parin kasi ngayon ang paggawa ng sand castle
sa Boracay sa kabila ng halos araw-araw na paalala ng mga taga Municipal
Auxiliary Police (MAP) sa mga batang gumagawa nito.
Subali’t iginiit ni Sacapaño na para
din sa seguridad ng mga turista sa isla ang layunin ng BRTF.
Samantala, nabatid na gabi-gabi
ring minomonitor ng BRTF ang mga establisemyento sa Boracay kaugnay sa
implementasyon ng anti-noise pollution ordinance at 25+5 meter easement.
Kasama naman sa pagpapatrolya ng
BRTF ang mga taga Boracay PNP, MAP, Barangay Tanod, at iba pang katuwang ng mga
law enforcers sa isla.
No comments:
Post a Comment