Posted April 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Balak ngayon ng Lokal na pamahalaan ng Malay na
isali sa Guinness World Record ang Longest Massage Chain at Most people being
massaged.
Ito’y bilang bahagi sa nalalapit na pagdiriwang ng
Boracay Day ngayong darating na buwan ng Mayo 16-18, 2014.
Dahil dito ang Municipal Tourism Office ay
nakipagtulungan sa Remnant Institute at MAVOVEN na mag-facilitate sa Guinness
World Record upang subukang ma break ang record bilang Longest Massage Chain at
Most people being massaged na parti ng nasabing momentous event.
Kabilang din sa pagdiriwang na ito ang launching ng
Boracay Signature Massage, para gawing active campaign sa pagiging professional
ang lahat ng massage therapist sa isla ng Boracay.
Layunin naman sa nasabing aktibidad na mapangalagaan
ang lahat ng mga nagsasanay ng massage therapist sa isla upang magkaroon sila
ng tamang pakikitungo at pag-uugali sa training na isinagawa ng LGU Malay para
masiguro ang pamantayan sa pagsasanay ng pagiging isang professional.
No comments:
Post a Comment