Posted April 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasado na ang inaabangang 11th Fiesta De
Obreros ng bayan ng Malay ngayong darating na Mayo-a uno 2014.
Kasabay ng pagdiriwang na ito ang pagselebra ng Araw ng
Manggagawa o Labor Day sa pagbigay pugay sa patron na si St. Joseph the Worker.
Tema naman sa nasabing kapistahan “Ang himpit nga Pagtuo,
Sinsero nga pagtrabaho-Daean sa pagprogreso.
Inaasahan din na magiging makulay ang selebrasyong ito na
lalahukan ng lahat ng mga kabaranggayan ng Malay.
Magkakaroon naman ng ground presentation ang mga kalahok
sa 11th Fiesta De Obreros sa Mayo a-uno sa nasabing bayan.
Paglalabanan rin ng mga contestants ang Best in
Choreography, Best in Music, Best in Production Design, Best in Costume at Best
in Street Dancing kabilang na ang itatanghal na grand winner ngayong taon.
Ang nasabing okasyon ay pinangungunahan ng Municipal
Tourism Office sa pangunguna ni Malay Chief Tourism Officer Felix G. Delos
Santos.
No comments:
Post a Comment