Posted April 22, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ganito inilarawan ni Special Operation Officer III Jean
Pontero ng Caticlan Jetty Port ang pantalan matapos ang pagdagsa ng mga lokal
at dayuhang turista nitong Holy Week.
Ibig sabihin, hindi na ganon kasikip ang pantalan
kung ikukumpara nitong nakaraang Semana Santa.
Bagamat mapayapa na, sinabi naman nito na tuloy
parin ang kanilang pagbabantay kung saan nakahanda parin ang lahat ng mga
pasilidad ng port kabilang na ang mga security assistance desk at guest inquiry.
Samantala, sinabi din ni Pontero na wala namang mga
naitalang aberya nitong mga nakaraang araw sa x-ray machine.
Naitala rin ang nasa mahigit 60 thousand na mga
tourist arrival sa nasabing port sa kakatapos lamang na Holy Week.
Sa kabilang banda, patuloy rin umano ang seguridad
na ipinapatupad ng mga kapulisan at coastguard sa nasabing pantalan upang
bantayan ang pagdagsa ng mga turistang papasok at paalis ng Boracay.
Pinaalalahanan din ni Pontero ang lahat ng mga
pasahero na makipagtulungan sa kanila at sundin ang mga ipinapatupad na paalala
ng Jetty Port at ang ibayong pag-iingat.
No comments:
Post a Comment