YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 22, 2014

Malay SB Members, balik-trabaho na ngayong araw matapos ang “Holy Week Break”

Posted April 22, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Balik na uli sa normal ang session ng SB Malay ngayong araw, Abril 22 para sa mga nakabinbing usapin para sa bayan.

Ito ang kinumpirma ni SB Malay Secretary Concordia Alcantara matapos ang mahabang bakasyon o “Holy Week Break” ng mga taga Sangguniang Bayan (SB) Malay.

Nabatid na ilan sa mga muling pag-uusapan ng konseho ngayong araw ang pagbibigay pugay sa TransAire Holdings Corporation at mga empleyado nito sa pagresponde at ginawang pagtulong sa kasagsagan ng sunog sa Poblacion Malay nitong nakaraang Marso 13.

Maaalalang nag-Holy Week Break ang mga taga SB Malay nitong nakaraang linggo upang bigyang daan ang pagninilay-nilay sa Semana Santa.

No comments:

Post a Comment