YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 22, 2014

Arabo, sinapak ng inisnab na lady boy sa Boracay

Posted April 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sapak ang inabot ng isang Arabo matapos nyang isnabin ang isang lady boy sa Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP, madaling araw kahapon habang nakatayo ang 31 – anyos na Arabo sa D’mall area nang tawagin at gustong kausapin ng nasabing lady boy.

Subalit, ayon sa Arabo tumanggi umano ito dahil sa isang lady boy ang gustong kumausap sa kanya.

Dahil sa nangyaring pang-iisnab, nagalit umano ang 18-anyos na lady boy at sinapak ang nasabing Arabo na naging dahilan upang magkaroon ng komosyon sa nasabing lugar.

Samantala, habang nasa kustodiya ng Boracay PNP Station, agad namang humingi ng tawad ang lady boy at pinatawad naman ito ng nasabing Arabo.

No comments:

Post a Comment