Posted April 24, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kasalukuyan paring iniimbestigahan ng mga taga
Boracay PNP Station ang kaso hinggil sa paninira di umano ng isang Danish
national ng ATM Booth sa Balabag Boracay.
Ayon sa report ng Boracay PNP, bandang alas dose
kanina ng hating-gabi habang nag-papatrolya ang mga kapulisan sa front beach ng
Balabag Boracay, isang babae ang lumapit sa kanila at nagsumbong na sinira ng
lalaking foreigner ang ATM booth sa nasabing lugar.
Nang siyasatin ng mga mga pulis, lumalabas sa
imbestigasyon na nag-widraw ang lalaking Danish national na si Christopher Ian
Vedelsby sa nasabing ATM machine subalit nang palabas na umano ito ay nalamang
ine-lock pala ang pinto ng Booth.
Kaya’t ayon naman sa turista wala umano itong
nagawa kundi ang sirain nalang ang salamin na pintuan kung saan nagresulta rin ng
sugat sa kanyang kaliwang binti.
Samantala, inaalam din sa ngayon ng mga pulis kung
sino ang nag-lock ng nasabing ATM booth habang nasa loob ang turista.
No comments:
Post a Comment