YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 22, 2014

Iba’t-ibang insidente sa Boracay, naitala sa kasagsagan ng Semana Santa

Posted April 21, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Iba’t-ibang insidente sa Boracay ang naitala sa kasagsagan ng Semana Santa.

Bagama’t napanatili ang kaayusan at pinaigting na seguridad, umabot pa rin sa mahigit isang daan ang nasakote at ikinostodiya ng Boracay PNP dahil sa iba’t-ibang kasong kinasangkutan nila.

Nabatid na ilan sa mga ito’y nahulihan ng patalim at ang iba naman ay nahuling nagnanakaw.

May mga naitala ring reklamo dulot ng kalasingan nitong Holy Week, habang isa naman ang naaresto sa isang buy bust operation sa mismong araw ng Sabado de Gloria.

Kaugnay nito, bagamat tapos na ang Holy Week, inaasahan pa rin ayon sa BTAC ang pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista sa isla lalo pa’t nagsisimula palang ang summer season.

No comments:

Post a Comment