Posted April 22, 2014 as of 12:00nn
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Dismayado ngayon ang LGU Malay sa mga lumabag sa
“No parties and loud music” sa Boracay nitong nakaraang Biyernes Santo.
Umabot kasi sa 15 ang mga establisemyento dito ang umano’y
nagkaroon ng tugtugan sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng munisipyo at ng SB
Malay.
Base ito sa isinumiting monitoring report ng
Municipal Auxiliary Police kay Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño.
Ayon naman kay Sacapaño, alam na rin ng mga
nasabing establisemyento ang tungkol sa panawagan ng munisipyo na makiisa ang
lahat sa pagbibigay-daan sa solemnidad ng Biyernes Santo.
Subali’t muli itong umapela na irespeto ang sagradong
selebrasyon.
Samantala, sa kabila nito, nagpapasalamat naman si
Sacapaño na naging mapayapa ang selebrasyon ng Semana Santa sa Boracay dahil sa
pagtutulungan ng lahat.
No comments:
Post a Comment