Posted
April 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Balak bigyang parangal ng SB Malay ang grupo nina Senior Supt. Samuel
Nacion ng Aklan PPO at (BTAC) Chief PSInspector Mark Evan Salvo.
Ito’y sa kabila ng kanilang ginawang sunod-sunod na operasyon para
tugisin ang mga gumagamit at nagbibinta ilegal droga sa isla ng Boracay.
Dahil dito isang resolusyon ang ipinasa ni SB Member Jupiter Gallenero
para purihin ang pagsisiskap ng nasabing mga otoridad na kinabibilangan ng
Aklan Provincial Police Office (APPO) at ng Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC).
Samantala, nabatid na malaking droga naman ang nakuha mula sa isang
entrapment operation na ginawa ng mga nasabing grupo na isinagawa sa isang
resort sa Boracay kung saan kinasasangkutan ito ng dalawang babae na mula sa
Metro Manila.
Napag-alaman na nakuha sa mga ito ang pinaniniwalaaang apat na bulto ng
shabu na nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyong peso.
Kaugnay nito, inaasahang muling tatalakayin ang nasabing usapain sa mga
susunod na SB Session ng Malay para sa binabalak na pagbibigay pugay sa mga
kapulisang tumutugis sa mga nagsasagawa ng ilegal na aktibidad sa Boracay.
No comments:
Post a Comment