YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 21, 2014

Bar Owner sa Boracay, huli sa isang buy bust operation sa kasagsagan ng Semana Santa

Posted April 21, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dinala na nitong umaga sa prosecutor’s office sa Kalibo ang isang bar owner sa Boracay matapos nahulihan ng shabu nitong Sabado.

Ayon sa report ng Boracay PNP, naaresto sa pinagsanib na puwersa ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (PAIDSOTG) at Station Anti-Illegal Drugs and Special Operations Task Group (SAIDSOTG) ang suspek na si Sotero Dela Torre alyas “Badoy”.

Sa pamamagitan ng ikinasang buy-bust operation, nasabat mula kay “Badoy” ang isang sachet ng shabu, 1 libong piso na ginamit sa buy bust, anim na plastic sachet ng shabu, dalawang sim card at isang cell phone na umano’y naglalaman ng drug transactions.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang suspek.

No comments:

Post a Comment