Posted April 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Gustong paimbestigahan sa konseho ni Malay SB Member
Frolibar Bautista ang permit ng mga tour guide sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos na mahulihan ng ilegal na droga ang
dalawang tour guide na babaeng Taiwanese sa Boracay nitong nakaraang buwan ng
Marso.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Chi Ping Chou alyas
“Sophia” 44-anyos at si Chia Huei Ma alyas “Chia-Chia” 27-anyos na parehong
nagtratrabaho bilang mga tour guide sa isla.
Ikinadismaya naman ni Bautista ang nasabing gawaing ito
kung saan nasasangkot ang mga tour guide sa ilegal na aktibidad.
Aniya, nais niyang e-review ang Ordinance ng mga foreign
tour guides na ini-issue ng Department of Labor and Employment (DOLE) at hindi
ng LGU Malay para matukoy kung ang mga ito ay walang kinakasangkutang ibang
ilegal na gawain.
Nais umano nito na ma-proteksyonan ang reputasyon ng
Ordinansa ng LGU Malay sa pamamagitan ng pagbibigay ng permit sa mga ito para
sa kapakanan ng isla ng Boracay maging ng mga turista.
Samantala, nabatid naman na mayroon paring mga ilegal na
tour guide sa Boracay na walang kaukulang permit mula sa Office of the Mayor na
nagsasagawa ng kanilang aktibidad.
No comments:
Post a Comment