Posted April 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Peaceful naman ang Boracay.
Ito ang kampanting sinabi ni Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) Chief PSInspector Mark Evan Salvo, sa kabila ng pagdagsa ng
libo-libong turista sa Boracay nitong nagdaang Semana Santa.
Aniya, wala naman silang naitalang untoward incidents sa Boracay
nitong nagdaang Holy Week maliban na lamang umano sa iilang petty crimes na hindi
naman nakaapekto sa paggunita ng Semana Santa.
Samantala, sinabi pa nito na wala namang dapat baguhin sa
mga paghahanda sa seguridad sa Boracay pagdating
ng Semana Santa.
Aminado naman si Salvo na kailangan lamang nilang e-improve
ang pagpapaigting ng seguridad para sa mga susunod pang taon.
Nagpasalamat din ito sa mga taga Boracay Action Group na
naging mapayapang selbrasyon ng Holy Week sa isla.
No comments:
Post a Comment