YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 23, 2014

Dalawang turistang umano’y nilait dahil sa maling swimming attire, nagreklamo sa Boracay PNP Station

Posted April 23, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Masama ang loob na nagreklamo sa himpilan ng pulis ang dalawang turista sa Boracay matapos umanong laitin dahil sa maling swimming attire.

Nakilala sa police report ang mga turistang sina Hector Ortega, 30 anyos na isang Espanyol at German national na si Christof Richard Sowada, 36-anyos at tumutuloy sa isang resort sa station 2 Balabag.

Sumbong ng mga nagreklamong turista, naliligo umano ang mga ito sa swimming pool ng tinutuluyang resort kahapon ng hapon nang nilapitan sila ng isang staff at pinagsabihan hinggil sa tamang swimming attire.

Subalit katwiran umano ng dalawang turista, nagbabayad sila upang tumuloy sa nasabing resort at tamang swimming trunks naman ang kanilang suot.

Ikinatuwiran din umano nila na sila’y guest at hindi dapat nakakaranas ng ganoong klaseng panlalait.

Ilang sandali pa ay dumating umano ang isa pang staff na babae at sinabihan umano ang mga ito na uneducated at dahil Europeans umano sila.

Ipinagkatiwala naman sa Department of Tourism (DOT) Boracay ang disposisyon ng nasabing reklamo.

No comments:

Post a Comment