Posted April 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinaghahanap pa rin sa ngayon ng Boracay PNP
Station ang suspek sa nangyaring pananaksak sa isang karpintero kaninang alas
tres ng madaling araw sa Yapak Boracay.
Ayon sa report ng Boracay PNP, natutulog ang karpinterong si Jay Dayrit, 44 – anyos ng Guagua Pampanga sa loob ng kanilang barracks sa So. Hagdan Yapak Boracay nang pagsasaksakin ng hindi nakilalang suspetsado.

Pahayag ng biktima, nagising na lamang umano ito na
nanakit ang kanyang kaliwang balikat subalit ni hindi man lamang nito nalaman na
sya pala ay nasaksak.
Samantala, sa isinagawa namang follow-up operation
kanina ng mga kapulisan ay walang nais mag-testify sa nasabing pangyayari at
wala rin umanong nakakita dahil sa kawalan ng ilaw dulot ng brown-out sa
nasabing lugar.
No comments:
Post a Comment