YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, April 25, 2014

Municipal Advisory Council, nakatakdang ilunsad ng Boracay PNP

Posted April 25, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nakatakdang ilunsad ng Boracay PNP ang Municipal Advisory Council (MAC) sa isla.

Kaugnay ito sa Integrated Transformation Program ng Philippine National Police sa pamamagitan ng Performance Governance System (PGS ) o PNP ITP-PGS 2030, o kilala rin bilang sa tawag na PATROL Plan 2030.

Samantala, layunin ng MAC na makalikom ng suporta mula sa miyembro ng Local Government Unit (LGU), Stakeholder, legal counsel, Non-Government Organization (NGO) at pribadong ahensya na magiging katuwang o partner at advisers ng nasabing programa.

Maliban dito, ginawa ring aktibo ang Police Strategy Management Unit ng Boracay PNP upang mamonitor ang mga aktibidad at programa ng PATROL Plan 2030.

Kasalukuyan namang naghahanda ang Boracay PNP para sa launching ng MAC.

No comments:

Post a Comment